Ang Pitong Pinaka-Matitinding Mga Kasinungalingan sa Network Marketing (Part 1)

Ito ang version o translation ko sa sikat na sikat na ebook ni Ann Sieg na "7 Great Lies of Network Marketing." Ginawa ko ito upang matulungang ibangon ang bagsak na bagsak na imahe ng Network Marketing dito sa ating bansa, at para na rin tulungan ang mga beterano o kahit mga baguhan pa lamang na Pinoy Networkers.

Kung ikaw ay Pinoy Networker, malamang ay nasa isa ka sa tatlong baitang o "stages" sa iyong pagnenegosyo:


Stage 1. Excited na excited sa iyong MLM business - naguumapaw ang iyong excitement sa bago mong Networking business kaya gigil na gigil ka i-share ang negosyo mo sa iyong mga KKK: Kapuso, kapamilya, at mga kapatid, o sa lahat na ng mga KAKILALA mo.

Stage 2. Nagtataka kung bakit medyo bumabagal o humihinto ang iyong MLM business - hindi mo na malaman kung bakit parang nawala na lamang ang excitement ng lahat (pati na ikaw) sa inyong MLM business. Naiisip mo na siguro ay dahil kulang ka na ng pagdalo sa mga MLM trainings o BOM. Eto na rin ang stage na medyo nauubusan ka na ng mga prospects at kakilala para bahaginan ng iyong MLM business.

Stage 3. - Unti-unting pagkasawa o kaya naman ay Pagkasunog/pagkapaso sa iyong MLM business - dito mo na narerealize ang maraming bagay na mali o kakulangan sa MLM business mo. Na maaaring sobra ka palang na "HYPE" o nabola ng iyong mga uplines o trainors, o kaya naman ay hindi ka pinaglalaanan ng sapat na panahon para sanaying maging katulad nilang MLM Leader, etc...

Nasaang stage ka ngayon sa iyong MLM business? Talaga bang dadaanan lng lahat ng Networker ang tatlong stages na iyan? Ibig sabihin ay tama nga ang kasabihan ng mga Negative na tao sa Networking:

"Sa Una lang iyan!"

Bakit nga ba ganito na lamang palagi ang nangyayari sa MLM business ng simpleng Networker na si Juan Dela Cruz? Tignan natin kung anu ano daw ang mga dahilan o mga kasinungalingan ayon kay Ann Sieg:

Greatest Lie #1: "Everyone is your Prospect"

Lahat daw ng tao ay sasali sa MLM Business mo, hindi pa lang daw nila alam yun. Kailangan daw natin ipaalam sa lahat ng tao ang tungkol sa "KALIGTASAN SA KAHIRAPAN" na ibibigay ng MLM opportunity mo.

Patigilin na daw natin sa trabaho ang lahat ng mga Pilipino. Dahil nakakaawa ang kalagayan nila na umaasa LAMANG sa sweldo tuwing akinse at katapusan. Dumating na daw ang MLM Opportunity na hinihintay ng lahat. Sasali daw lamang sila at pagkatapos ay hahanap din ng dalawa, o tatlo lamang na sasali ulit ay yayaman na sila!

Dahil dito sa napakalaking kasinungalingang ito kaya lumabas ang mga maling taktika gaya ng:

"PUSAKALAN" - o "street hustling", sobrang desperadong taktika ng pag rerecruit. Pati mga tambay, street vendors, at mga walang muwang na job hunters ay tinatarget gamit ang mga mapandayang flyers. Trabaho daw kuno, pero neworking seminar pala ang totoo.

"Kidnapping" - eto yung tactic na iimbitahin ka pumunta kung saan, tapos malalaman mo na lang na BOM pala talaga ang pakay niya puntahan. Hindi lamang nya masabi ng diretso sayo kasi alam nya na tatanggi agad lahat ng imbitahin nya, lalong lalo ka na.

"3 Foot Rule" - eto yung practice na pag nasa labas ka eh pilit mong kakausapin ang lahat ng taong mapalapit ng konti sayo. Eto ang ginagawa ng mga taong bigla ka na lamang babatiin at kakausapin kahit di mo naman sila kilala. Bibigyan ka nila ng flyers, calling cards, at minsan ay mag pepersonal BOM na agad sila. Nangyayari ito kalimitan sa jeep, bus at kahit sa fast food chains.

"W. BUSH" - Withdraw, Benta, Utang, Sangla, Hiram

Dahil dito sa Greatest Lie #1: "Everyone is your Prospect" kaya nasira nang tuluyan ang reputasyon ng MLM sa ating bansa. Wala nang imahe ng profssionalism na ibibigay sayo kapag nalaman nila na networker ka. Ang tingin nila sayo ay manloloko, at gagawin nila ang lahat para iwasan ka.



Dahil ang totoo: HINDI LAHAT NG TAO AY SASALI SA MLM BUSINESS MO.

Bakit?

Unang-una, hindi lahat ng tao ay interesado mag-negosyo. Kabaligtaran pa nga ng kalimitang itinuturo sa atin, marami ang masaya na sa kani-kanilang mga trabaho.

Pangalawa, napakarami nang tao ang NAMUMUHI sa Networking, at may mapait na galit sa mga Networkers.

Mayroon akong narinig na kwento, na isang simpleng magsasaka ang naengganyong sumali sa MLM, na kahit kalabaw nya ay naibenta nya para lamang makasali sa nasabing MLM. Dahil sa mga maling "expectations" at sa nabigong pag-asa sa MLM, nagawa nitong magsasaka na ito na habulin ng itak ang taong nag-recruit sa kanya.



Pangatlo, Hindi lang ikaw ang may Networking Business. Napakadaming MLM Company na dito pa lang sa Pilipinas. Tapos may mga US based MLM Companies pa, etc. So ilan kaya ang total ng mga networkers dito sa Pilipinas? Definitely makakasalamuha mo sila, at pagnagkataon, pareho kayong nagpupumilit na i-recruit ang isat-isa.

In conclusion, Hindi lahat ay pwede mong i-Prospect sa Networking Business mo, Dahil nga hindi lahat ng tao ay pwedeng sumali sa MLM Opportunity mo. Sabi nga ni Ann Sieg:

"MLM is perfect for EVERYONE, but not everyone is PERFECT for MLM."

Kaya tigilan na natin ang mga maling kalakaran sa Networking. Tama na ang PUSAKALAN, Kidnappan, "3 Foot Rule", at "WBUSH". Maging Professional Network marketers na tayo. Paano? Nadito sa mga previous posts ko about Target Market:

TARGET MARKET: The COLD Market
TARGET MARKET: The WARM Market
Target Market: RED HOT Market (The Correct Market to Tap)

At dito din sa posts ko about Magnetic Sponsoring:

MAGNETIC SPONSORING versus Traditional Networking
Magnetic Sponsoring Overview: How to be the Hunted instead of the Hunter
How to be MAGNETIC in Your MLM Business

Sa susunod na blogs ko na ulit yung natitira pang 6 na Pinaka-Matitinding Mga Kasinungalingan sa Network Marketing ha?

Kung gusto mo naman ng Libreng Ebook na iyan ni Ann Sieg, fill up mo lang ang form na nasa baba para maisend ko sa email mo yung ebook ni Ann Sieg.

Salamat ng marami sa pagbasa sa aking blog! God bless you and your MLM Business!

Your Partner in MLM Success,
 



Ebook Request

Name


Email *


Cellphone# (optional)


Message (optional)
Powered byEMF Web Form
Report Abuse

Comments

Popular posts from this blog

TIPS ON DIETING FOR A CALL CENTER AGENT

Largest Bank in the Philippines Showcases Bitcoin Mining Equipment

Crypto is the Future - Union Bank